oy, kaibiganin mo'ko ulit!


Masaya tayo nuon.
Nagkukwentuhan, nagdadamayan, nagtatawanan.
Naging mahalagang parte ka ng buhay ko
Nang limang taon.

Ni minsan, hindi ko naisip na hahantong tayo sa ganito.
Hindi na nagpapansinan.
Wala nang “oy verns!”
Wala nang imikan.

Wala nang cornyng jokes na tatawanan ng pilitan.
Wala nang kwentong pag-uusapan.
Hindi na nagdadamayan.
Kahit magkasalubong sa school, deadma lang.

Kailang kaya babalik ang ating pagkakaibigan?
Alam mo ba, miss na kita.
Miss ko na iyong kaibigan ko,
Miss na miss na miss na miss.

Oie, Meron ba akong nagawang masama?
Meron ba akong nasabing di dapat sabihin?
Ano ba talaga?
Sabihin mo naman para maitama ko yong mga mali ko.

Sana makapagsimula tayo sa umpisa.
Sana nga, sana.

P.S. kahit anong pilit ko sa sarili kong gumawa ng unang hakbang upang kaibiganin ka, di ko magawa. Nahihiya ako. Pero, sa pasukan, dapat na akong kumilos. Dapat ibalik ko ang pagkakaibigang nawala.

One Response so far.

  1. R says:

    GO! dapat lang!

    sometimes, the first move in reconciling doesn't have to be from the one who committed the wrong act. (because, it is either that person doesn't know it's him/her who's wrong, or that person just won't accept that he is.)

    the first move in reconciling friendship depends on which of you understands the importance of communication :)

    - a piece of advice from isip-bata -
    hahaha :D:D

Leave a Reply