Sir Ereno required us to make a bibliogpahy of a classmate.. Gilphanie was my partner so she made my talambuhay. so here it is.
"Sinong taga-Unibersidad ng Pilipinas High School Cebu ang hindi nakakakilala kay Vernie Naraja? Sinong estudyante ng U.P. hayskul ang hindi pa nakasalimuha, kinaibigan at tinulungan niya ng lubos? Sino ba ang makakalimot sa isang mangitiing kahit na may maraming problema at matulunging anak ng Diyos katulad ni Vernie? Ang taong ito'y inuuna pa ang ibang tao kaysa sa sarili.
"Dahil sa kanyang mga kahanga-hangang katangian ay huwaran siya sa bait, gawa at tiyaga ng bawat mag-aaral at bawat tao. Kilalanin natin siyang mabuti. Sa likod ng kanyang ngiti ay ang tinatagong buhay sa karalitaan.
"Ipinanganak siya sa St. Vincent General Hospital, Cebu noong ika-25 ng Abril ng 1992. Siya ay unang anak nina Erlinda Naraja at Bonafacio Tanola. Sa kasamaang palad hindi na nagpakasal pa ang mga magulang ni Vernie at nahiwalay ng tuluyan kaya si Vernie ay nanirahan kasama ng kanyang ina na isang housewife lang. Sa kabila ng hindi pag-uunawaan ng kanyang mga magulang ay patuloy siayng sinuportahan ng kanyang butihing ama na isang karpentero. Si Vernie ay binanyagan gamit ng apelyido ng kanyang ina. Sa paglaki ni Vernie sa piling ng kanyang ina lamang ay natutunan niyang maging matatag sa kahit anong pagsubok. Nalaman niyang isa siyang anak sa labas at may mga nakakatandang kapatid pa siya sa unang pamilya ng kanyang ama. Sa kalaunan, natanggap niya ang mapait na kototohanan at naging tulay pa ito upang magsikap pa siya ng husto sa bahay man o sa eskwelahan.
"Anim na taon pa lamang ang gulang niya ay ipinasok na siya ng kanyang ama sa Kinder 1 sa Bukas Palad Learning Center. Siya ay pangalawa sa mga nangungunang estudyante sa Kinder 1. Nagbigay ito ng labis na kasiyahan sa kanyang ina.
Nang nagpitong gulang na ay na-aral naman siya sa Mabolo Elementary School sa loob ng anim na taon. Noong ika-1 ng Abril 2005 ay pumasa sa siya sa elementarya ng may matataas ng marka at napabilang pa sa dalawapung porsyento ng graduating class. Pinatunayan niyang sa tulong ng sariling tiyaga at mataimtim na pananalig ng Diyos ang kahirapa’y hindi sagabal sa pagkamit ng edukasyon.
"Nakapasa siya sa isang tinitingalang paaralan sa Cebu ang Unibersidad ng Pilipinas. Noon pa man pangarap na niyang makapag-aral sa isang paaralang kilala sa pagbibigay ng kalidad na edukasyon sa mga mapalad na estudyanteng makakapasa sa intrans eksam. Simula ng pumasok siya sa U.P. ay naging maimpluwensiyang lider na siya mula sa pagiging isang passive na estudyante. Kung hindi dahil sa U.P. hindi niya mararanasan kung ano ang pagiging miyembro ng Youth For Christ, opisyal ng Citizens Welfare Training Service at mapalad na miyembro ng YMA(young Minds Academy). Dahil sa pagiging pantas sa larangan ng poetry translation ay nahirang siya bilang tagapangalaga ng Legacy of Poetry.
"Si Vernie ay isang miyembro ng props komite sa nakaraang dramafest produksyon sa Sa Ngalan Ng Ama ng fourth year Gonzalez. May Marami siyang natutunan sa paggawa ng mahusay ng produksyon katulad na lamang ng time management, ang wastong paggamit ng ilaw sa entablado na dapat wala aninong makikita. Ang make-up ng actor ay natutunan niyang na dapat bumagay sa karakter na gaganapin nila. May marami na siyang nalaman sa Theater Arts kaya naman mas alam na niya ang pasikot-sikot sa produksyon.
"Ngayon, si Vernie ay nakapasa sa UPCAT sa kursong BS Management. Plano niyang maging iskolar ng STFAP o di kaya’y maging working student sa UP College Cebu upang matustusan ang pag-aaral niya sa kolehiyo. Pangarap kasi niyang maging tanyag na CPA baling araw. Sabi pa nga niya “mada ra nag-smile… It’s just a matter of praying to and serving God”. Sa tulong ng diyos at sariling gawa at tiyaga ay talagang maabot ni Vernie ang mga pangarap niya gaano man ka layo ito."